Thursday, October 23, 2008

"ako ay isang yoyo"

sabi ni sha, "ako ay isang yoyo"

ang masasabi ko lang, "noong isang taon ako ay yoyo na, subalit hanggang ngayon ako ay yoyo pa rin". isang taon na. tumanda na nga ako nang 'sang taon kahapon.

sabagay, masaya naman maging yoyo. lalo na at sa pagiging yoyo ay madaming natututunan.

pero syempre, nakakainis, nakakahilo at nakaka-praning din maging isang yoyo. hmm. sa kabilang banda, dati na naman pala akong praning, hilo at inis (paminsan-minsan). kaya nga siguro natatawa at medyo masaya pa akong maging yoyo. sa ngayon.